Ang panahon na ito ay napakadilim para sa mga Pilipino dahil puno ito ng dugo at giyera.
Hindi alam ng mga Pilipino kung ano ang kanilang gagawin sapagkat malakas ang mga Hapon.
Naging alalay ang mga Pilipino sa kapangyarihan at lakas ng mga Hapon.
Dumami ang mga patay noong panahon ng Hapon.
Walang mahanap na proteksyon ang mga Pilipino.
Puno ng takot ang mga Pilipino noong panahon na ito.
Nalulumbay ang mga Pilipino hindi lang para sa mga nawalang mga kamag-anak at mahal sa buhay; ngunit dahil din sa pinsalang nararanasan ng Inang Bayan nila.
Napaasa muli ang mga Pilipino.
Naging masaya at matagumpay ang mga Pilipino dahil natamo nila sa wakas ang kanilang kalayaan.
Disyembre 7, 1941 - Unang atake ng mga Hapon
Nagsimula ng away ang mga Amerikano noong pinasabog ng mga Hapon ang Pearl Harbor sa US, Hawaii. Pagkatapos ng 10 oras ay inatake nila ang Pilipinas.
Disyembre 26, 1941 - Open City
Ito ang araw na dineklara ni General Mccarthur at President Manuel L. Quezon na Open City ang Maynila.
Pebrero 22 1942 - Pag alis ni MacArthur
Pinaalis ng presidente ng Estados Unidos na si Franklin D. Roosevelt si General MacArthur sa Pilipinas.
Abril 9 1942 - Death March, Bataan
Napakadilim at katakot-takot ang araw na ito. Ang mga Pilipino, mas lalo na ang mag Pilipina, ay ginagahasa ng mga sundalong Hapones.
Oktubre 14 1943 - Pangalawang Republika
Ito ay araw ng pangalawang Republika ng Pilipinas. Napinahungahan na ni Presidente Jose P. Laurel.
Hulyo 4 1945 - Kalayaan
Ang araw na ito ang opisyal na araw na natanggap na ng Pilipinas ang kanyang kalayaan. Kinikilala na ng US ang malayang Pilipinas na may sariling watawat, gobyerno at iba pa.