Enero 20, 2001Idineklarang Presidente si Bise Presidente Gloria Macapagal-Arroyo ng Kataas-taasang Hukuman pagkatapos ipatapon ang nakaraang Presidenteng Erap Estrada.
Mayo 10, 2004Sa una, ipinahayag ni Arroyo na hindi niya balak tumakbo sa eleksyon noong 2004 pero siya ay nanalo at inihalhal na presidente.
2005Lumabas ang Hello Garci iskandalo. Ito ang sinasabing "wire-tapped" na pakikipag-usap nina President Arroyo at Comelec Commissioner Virgilio Garcillano. Inakusahan si Arroyo ng pandaraya sa eleksyon noong 2004 ngunit hindi siya nakulong. Dahil dito, nainis lamang ang mga Pilipino dahil sa sakim at makasarili nilang pangulo.
|
|
Setyembre 2009Ang hilagang Pilipinas at Metro Manila ay tinamaan ng bagyong Ondoy at nilunod ang malaking bahagi nito. Siya ang pinakamabigat na unos na dumapo sa ating bansa sa huling apat na dekada. 238 na barangay ang nalubog sa tubig, 993,227 na mga pamiliya o 4,901,234 na mga tao ang naapektuhan. 464 ang namatay, 529 ang nasaktan, at 37 ang nawawala. 11 Billion Php ang kabuuang halaga ng pinsala niya.
Nobyembre 23, 200957 ang pinatay na Pilipinong sibilyan papunta sa isang pagsasamang politikal ng grupong laban sa pamahalaan sa silangan pobinsya sa Maguindanao. 32 bahagi ng mga sibilyang na iyon ay mga mamamahayag. Dahil sa itong pangyayari itinuring isa sa pinaka delikadong lugar para sa mga mamamahayag ang bansang Pilipinas. Nanganganib ng kaganapang ito ang kalayaan ng press.
Mayo 10, 2010Nanalo si Sen. Benigno "Noynoy" Aquino III sa eleksyon noong 2010. Kuha niya ang 40% ng mga boto, mas madami 5 milyong boto kaysa sa sumunod sakaniyang may pinakamaraming boto na si dating presidente Erap Estrada. Nagkaroon ng pag-asa ang mga Pilipino dahil naniniwala sila na kayang paunlarin ni Noynoy ang ating bansa.
|
Oktubre 15, 2013Ang mga isla ng Bohol at Cebu ay tinamaan ng lindol na may sukat na 7.2. Madami itong nasira na makasaysayan na mga simbahan na ipinatayo pa noong panahon ng Espanyol.
Nobyembre 8, 2013Wasak ang karamihan ng mga probinsya sa Pilipinas, lalo na ang Tacloban, Leyte nang daanan ito ng bagyong Yolanda. Ito ang naitalang pinakamalakas na bagyo na pinagdaanan ng bansa. Higit 6,300 na tao ang napatay sa Pilipinas lamang pero milyon ang apektado at naiwan ng bagyon ng walang bahay at may nawawalang mga kapamilya. Maraming internasyonal na tulong ang nabigay para sa mga nabiktima pero kahit sa panahon ng pagdurusa, ang korupsyon ay buhay parin. Marami sa mga donasyon na galing sa ibang bansa ay, kung hindi man na nakaw, ay pinalitan ng lokal produkto na mas pangit ang kalidad at malapit nang mapanis. Kaya't hanggang ngayon madami pa rin sa mga bahagi na tinamaan ng Yolanda ay naghihirap.
|
|
Pork Barrel Scam 2013-2014
|
Nailabas sa publiko ang korupsyon na pinaggagawa ni Janet Lim Napoles. Siya'y gumawa ng iba't ibang peke na mga organisasyon para makakuha ng pondo sa iba't ibang senador at kongresista. Higit 10 bilyon ang kabuuan ng pagnanakaw niya. Maraming mga Pilipino ang nagalit, lalo na ang mga nagtratrabaho nang malaman nilang hindi nagagamit ng tama ang binabayaran nilang buwis. Ipinamalas ng iskandalo na ito na kailangan na talaga gawan ng solusyon ang korupsyon sa Pilipinas at alisin ang systemang pork barrel. Nagkaroon ng Million People's March bilang protesta dito.
Pakiramdam ng mga PilipinoSa sobrang dami ng pinagdaanan ng Pilipino sa 14 na taong nakaraan, madaling mawalan ng pag-asa para sa sarili nating bansa. Sa rami ng kalamidad na hinampas sa atin, dagdag pa ang korupsyon na nagaganap sa pamahalaan. Kung iisipin natin, paano nga ba tayo uunlad? Hindi na maiiwasan ang galit at inis na nararamdaman ng ating mga kababayan.
|
Ngunit sa kabila nitong lahat, may lakas pa rin tayong ipaglaban ang ating mga karapatan sapagkat nais pa rin natin umangat at lipasin ang lahat ng ito. Hindi nawawalan ng pag-asa ang mga Pilipino dahil may tiwala sila sa henerasyon natin. Naniniwala sila na balang araw, kaya nating ayusin ang magulong sistema ng bansang minamahal nating lahat.
http://www.cdc.gov/mmwr/preview/mmwrhtml/00001734.htm
http://www.philippinecountry.com/philippine_history/ http://www.ndrrmc.gov.ph/attachments/article/92/Narrative%20Report%20re%20TS%20Ondoy%20and%20TY%20Pepeng.pdf
http://bicoltoday.com/2013/08/31/napoles-to-be-transferred-to-fort-sto-domingo/
http://content.time.com/time/world/article/0,8599,1988677,00.html
http://www.gmanetwork.com/news/story/330979/lifestyle/artandculture/from-treasure-to-rubble-heritage-churches-before-and-after-the-bohol-quake
http://www.philippinecountry.com/philippine_history/ http://www.ndrrmc.gov.ph/attachments/article/92/Narrative%20Report%20re%20TS%20Ondoy%20and%20TY%20Pepeng.pdf
http://bicoltoday.com/2013/08/31/napoles-to-be-transferred-to-fort-sto-domingo/
http://content.time.com/time/world/article/0,8599,1988677,00.html
http://www.gmanetwork.com/news/story/330979/lifestyle/artandculture/from-treasure-to-rubble-heritage-churches-before-and-after-the-bohol-quake