Sa paglipas ng panahon, umunlad ang Pilipinas dahil sa mabuting pamamahala ng gobyerno. Ang henerasyon namin ay nakapaghalal ng mabubuting pinuno na nagpaunlad ng ekonomiya ng bansa. Dahil dito, marami nang trabaho na maibibigay para sa mga Pilipino.
Makikita na rin sa panahon na ito na mas may tiyaga at disiplina ang mga Pilipino. Marami ang nag-aral sa ibang bansa at bumalik dito upang ayusin ang sistema ng bansa. Dito, kaunti na lamang ang korupsyon kung kaya't nabibigyan na ng kalidad na edukasyon ang mahihirap. |
Umayos na rin ang pampublikong transportasyon upang mabawasan ang trapiko at polusyon sa bansa. Ang monorail na ginawa ng UP at DOST noong 2014 ay nagagamit na rin sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas.
Sinusubukan na rin ng mga Pilipinong mag-segregate ng kanilang basura upang magamit na ito bilang pangunahing pinagmumulan ng enerhiya. |
Barreta, De Mesa, Guarin, Narvas, Ruzol
12-Curie
12-Curie